06/05/2026
“H-hi,” walang buhay kong tugon. “I hope gising na si Denmark,” dugtong ko rin. Tumingin pa ako sa likuran niya para hanapin ang asawa.
“Tuloy ka. Tawagin ko—”
“Sino ‘yan, babe?” anang isang tinig na papalapit sa amin.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa side bag ko kapagkuwan. Papalapit na si Denmark sa amin.
“Si France—”
Kita ko ang pagkagulat ni Denmark nang makita ako. Wala siyang suot sa itaas at mukhang bagong paligo rin.
Gusto ko mang ipahayag ang pagkagusto sa nakikita, pero wala akong oras para dyan. Saka hindi na dapat ako maakit sa katawan niyang pinagsawaan na ni Carey.
“F-France, anong ginagawa mo rito?”
“Pwede ka bang makausap? Saglit lang,” ani ko kaagad. “Don’t worry, saglit lang talaga.”
“O-okay.” Tumingin si Denmark kay Carey. “Pwede bang iwano muna—”
“‘Wag dito. Sa baba na lang. May coffee shop naman sa baba, e.”
Tinitigan ako ni Denmark. “A-are you sure sa baba?”
“Oo.” Bahagya akong ngumiti sa kanya. “So, hintayin na lang kita?”
“Sige, sunod na lang ako.”
Pagkatango, agad akong tumalikod.
Kasabay nang paghakbang ko ang pagpatak ng luha ko.
Ang sakit-sakit talaga. Bakit si Denmark pa ang minahal ko?
Saglit kong hinayaan na pumatak ang mga luha ko para makahinga ako nang maluwag mamaya sa baba kapag nakausap ko na siya. Ang makitang kasama ng asawa ang babaeng mahal, masakit na sa akin, ang annulment na usapin pa kaya?
Inayos ko ang sarili ko sa banyo pagdating sa coffee shop. Hindi ki. Alam ang o-order-in niya kaya kape ko lang ang inorder ko. Bahala na siya. Siya na nga itong umagrabyado sa akin, ako pa manlilibre? Ang swerte niya naman!
Inabala ko ang sarili ko sa panonood nang may maupo sa harap ko. Pag-angat ko, seryosong mukha ni Denmark ang nakita ko.
“Sorry, hindi na kita na-oder-an dahil hindi ko alam ang gusto mo sa kape.”
“Okay lang. Sabi mo, saglit lang naman tayo.”
“Oo nga pala.” Natawa ako.
Naupo siya sa harap ko.
Napatigil siya sa pag-aayos ng upuan nang magsalita ako.
“Gusto ko nang ipa-annul ang kasal natin.”
Matagal na tinitigan niya ako.
“Pardon. Anong sabi mo?”
“Annulment. Gusto kong ipa-process mo na sa lalong madaling panahon. Kung meron kang nakahandang papel dyan, akina,” ani ko pa na ikinatitig niya lalo sa akin. “Pipirmahan ko na kaagad.”
“A-are you serious?”
Ngumiti ako nang mapakla. “Mukha bang hindi?”
“F-France—”
“Ito ang gusto mo, Denmark, di ba?” putol ko sa sasabihin niya. “I-I’m finally setting you free.”
Parang babara sa lalamunan ko ang laway ko dahil sa huling mga salita ko. Mabuti na lang din at hindi ako pumiyok. Siya naman, natigilan na dahil mukhang nag-sync-in na ang mga sinabi ko.
“Really? Sumusuko ka na?”
“Hindi ako sumusuko, Denmark.” Natawa ako nang mapakla pagkatapos kong sabihin iyon. “I just realized na hindi ka worth it pagtuunan ng pagmamahal”
***
Bitin? Full chapter sa Goodnovel
Title: Her Love Marked Him First
Author: AVA NAH