25/08/2026
'ITO PO'Y PINAG-AARALAN NAMIN'
Iginiit ni Ombudsman Boying Remulla na maituturing umano bilang "epicenter" ng flood control corruption ang Davao City.
Pero paglilinaw niya, pinag-aaralan pa nila ang mga ebidensya.
"Hindi lang ho madali talaga sapagkat, sabihin natin, ang epicenter po ng flood control bago dumating ang Marcos administration ay ang Davao City," saad niya kasabay ng budget deliberations ng Kamara ngayong Martes, Aug. 25.
"Davao po iyong ecosystem na aming tinutukoy dahil doon po ang maraming pondo na puma*ok daw sa flood control. 'Yan po ang aming kinakalap nang husto," dagdag pa ni Remulla.