11/01/2023
‘MUNTIK KO NANG ILABAS YUNG CUERVO’ 🤣
Nagbigay aliw sa mga Facebook ang kwelang caption ng netizen na si Pauline sa ibinahagi nitong litrato kung saan makikita ang isang lalagyanan na naglalaman ng lemon sa isang tindahan ng siomai.
Kwento ni Pauline, nang mag-stop over ang bus na kanilang sinasakyan sa La Union ay nakita nila ang naturang tindahan.
“It was in Pugo, La Union. Nag stop over kasi dyan yung bus, my fiancé craved for siomai tapos nakita ko yung condiments… at lemon,” wika niya sa ekslusibong panayam ng PSND.
Paliwanag niya, nagsilbing calamansi ang lemon sa sawsawan ng siomai kaya ito naka-display sa naturang tindahan.
“It was meant talaga to be the “calamansi” sa toyo. Naisip ko agad yung Cuervo kasi ang laki nung slices, daig pa yung sa mga bar. Parang ang solid sipsipin nung lemon after mag shat hahaaha saktong sakto!” dagdag niya pa.
Umani naman ng kwelang hirit mula sa mga netizens ang naturang post.
“Siomai lang sana kaso napa-shot ka pa,” pabirong komento naman ng isang netizen. (Facebook/Pauline Mae Gonida)