20/02/2021
KOLEKSYON: ELEMENTO
Lupa • Tubig • Apoy • Hangin
Ang bawat elemento ay may 3 amoy na naaayon sa karakter ng bawat zodiac. 250 ML | ₱700.00
Lupa ay nagtataguyod, praktikal, lohikal at materyal. Ito ang amoy ng bukid hanggang masukal na gubat. Sa bandang huli, lalagapak ka parin sa lupa. Kailangan mong tumapak at maglakad. (Virgo | Ta**us | Capricorn)
Tubig na maalon, may lalim at nagpapatangay sa agos ng emosyon. Ang tubig ay lunas, sumasalamin at walang hugis. Ito ang amoy ng dagat, talon, ilog at ulan. Mag-iingat at baka malunod. (Pisces | Cancer | Scorpio)
Hangin ang siyang simoy na nilalanghap, magaan at naglalakbay. Bumibigat rin kapag napuno ng emosyon. Ito ang amoy ng kalayaan at paglalakbay. Minsan ay nagdadala ng delubyo at sakuna. (Gemini | Libra | Aquarius)
Apoy ay simbulo ng kapusukan, libog, digmaan at yabang. Kung padalos-dalos ay pwedeng matupok ng apoy. Mag-iingat...nakakapaso! (Sagittarius | Leo | Aries)