My Novel Readings

My Novel Readings Olivia Ortega Barbosa

MM16Converted By 🐊LACOSTE 🐊IntroductionHeartLUTANG ang isip niya habang naglalakad, hawak ang tray na may lamang mga pag...
08/09/2023

MM16
Converted By 🐊LACOSTE 🐊

Introduction
Heart

LUTANG ang isip niya habang naglalakad, hawak ang tray na may lamang mga pagkain na ang halaga ng isang plato ay nasa sampung libo siguro ang pinakamababa. Wala siyang direksyon dahil sa balitang gumulantang sa kanyang buong sistema kanina. Halos mabitiwan niya ang cellphone dahil dun, nang mag-umpisa siyang humagulhol sa banyo.

"Ang tatay mo, nasa ospital, nag-aagaw buhay!"

The voice of her mother thundered in her ears and now still echoing inside her head. Limandaang libong piso ang kailangan para maoperahan ang ama niyang inatake sa puso, habang hila ang baka sa kabukiran, kanina rin mismo, sa kanilang probinsya sa Oas, Albay. Tubong Legazpi City siya, Bicolana, na napilitan siyang lumuwas at itigil ang pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kakapusan sa buhay. Maganda siya, kung sa maganda pero kulang siya sa height para ipambato sa beauty contests, kaya hindi siya kailan man nakuha bilang kandidata.

If she was only blessed with height, she'd probably earn and help herself when it comes to her studies. Kaya lang ay pandak siya. 5'1 lamang siya. Hindi pa siya nakapagtapos ng first year College kaya ang kinauwian niya ay pagiging waitress. Hindi rin siya qualified, kung tutuusin. That's what the manager said during her interview. Nadala raw ng galing niyang makipag-usap, self-confidence at sa ganda ang kakulangan niya sa edukasyon. Mukha naman daw siyang matalino kaya ipinag-hire pa rin siya. Hulog yun ng langit sa kanya.

Luminga siya sa paligid, laman ng isip ang problema. Saan siya kukuha ng 500 thousand? Baka naman kumalas na ang tinggil niya sa pagiging serbidora sa five star restaurant na ito ay hindi pa rin siya nakakapag-ipon ng pera. Manila rate siya, libre ang tirahan pero hindi ang pagkain. Nagpapaaral siya ng dalawang kapatid na nasa high school, ang kambal niyang mga kapatid na sina Lexa at Lexus.

She's helping her parents. Isang hamak na magsasaka ang ama niya, nakikisaka at nagtatanim ng mga gulay sa bukid. Ang Nanay niya ay tagabenta naman sa palengke ng mga iyon. Sa pagtawid sa araw-araw na buhay ay nakakatawid naman sila, pero kulang sa iba pang mga gastusin para makaahon sa kahirapan. Ang lupang kinatitirikan ng bahay nila sa probinsya ay hindi kanila. Sa may-ari yun ng lupa, na minsang nag-alok sa kanya ng hindi maganda ang matandang balo. Hindi niya 'yun ipinarating sa tatay niya dahil baka magalit ay awayin ang lalaki. Baka palayasin sila, wala silang malilipatan.

Heart forced herself to give what her siblings needed to study. She provided them WIFI, computer and other gadgets. Salary deduction iyon at binabayaran pa rin niya hanggang ngayon. Kung may ipon man siya, kakarampot iyon at wala pa sa singkwenta mil. Paano yun makakapagpa-opera sa ama niyang mamamatayin?

Ang sabi ng Tatay niya ay huwag na raw paoperahan dahil magagastusan lang siya. Hayaan na raw iyon. Kung hanggang doon na lang daw ang buhay ay tanggapin na. Hindi niya kaya na ganun lang. Napakasakit bilang anak na wala siyang magawa para sa mga magulang na nangailangan. Napakahirap na maging mahirap. Mabuti pa ang mga tao sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya, mga walang pinoproblema, nakakapaggastos ng halos trenta mil sa isang kainan, para sa dalawang tao lang. Sana ibinibigay nalang nila yun sa mga nangangailangan.

Halos mapahikbi si Heart sa mga salitang yun na naalala niya. Pinigil niya ang sarili.

She looked for VVIP table 09. Alam naman niya na kapag VVIP ang pagsisilbihan, kailangan ay mas maingat pa siya sa maingat. Mas higit pa sa VIP ang VIP. VVIP are considered billionaires. Doon siya naka-assign dahil sa karisma niya at ganda. Ang suot niyang unipormeng itim na halos tumakip lang sa pwet niya ay bagay na bagay sa kanya. Kitang-kita ang magandang hulma ng kanyang katawan. Frankly speaking, Macho Café and Restaurant is generally visited by men. May mga babae rin dun pero karamihan ay lalaki, dahil lahat ng empleyado roon ay babae, pwera lamang sa mga bagador at sa mga Chefs. Iyon talaga ang konsepto ng restaurant na yun, ang mang-akit ng mga lalaking mayayaman dahil magaganda ang mga waitress at mga sexy. At talagang dinarayo sila.
Nakita ni Heart ang table na hinahanap niya nang tumingin siya sa gawing kaliwa. Nagtama ang mga mata nila ng lalaking naroon. Dalawa ang kumakain, dalawang lalaki. Matiim ang titig sa kanya ng lalaki pero sanay na siya sa ganung titig. Ang pagkakaiba lang, sa lahat siguro ng gwapong pumapasok doon, ito lang ang may kakaibang karisma.

Inialis niya ang mga mata sa lalaki at nagpatuloy sa paglalakad papalapit sa mesang yun.

She smiled, like usual. Bawal dun ang nakasimangot sa customer. Kulang na nga lang ay turuan silang kumindat sa lalaki. Sinulyapan niya ang isang lalaking nasa kabilang side ng mesa. Nakatitig din iyon sa kanya pero tuloy na siya sa paglapag ng pagkain.

"Heart…?" The man on her right said.

Agad siyang napasulyap dito. Hinahagod siya nito ng titig at parang gusto niyang mapaso. Hindi ito purong pinoy o baka nga walang dugong pinoy dahil sa itsura nito. Napakagandang lalaki nito, matangos ang ilong, pink ang labi, magaganda ang mga mata, ang buhok ay buzz cut ang pagkakagupit. Alam na alam niya ang ganung gupit dahil kay Lexus. Ganun parati ang ipinagugupit ng kapatid niya.

She shivered because of his tone. It was a baritone.

"Sir?" She asked softly.

"We didn't order anything," he said and her face was in real horror.

She looked at the number again and now it isn't 09, it is number 06! Nataranta siya. Kaya pala puno ang mesa ng dalawa dahil mali siya.

"S-Sorry, sir," nagmamadali niyang kinuha ang mga inilapag niyang mga pagkain habang paulit-ulit sa paghingi ng paumanhin.

Sa sobrang kalituhan niya ay natabig na niya ang iced tea nito sa baso kaya halos mapatili siya nang bumuhos iyon sa may zipper nito.

"Diyos ko, pasenya po," hindi siya magkadaugagang hingi ng paumanhin. Napatayo ang lalaki at tiningnan ang pantalon na nabuhusan niya ng inumin.

Nasaan ba kasi ang tablecloth nito? Nabasa tuloy ang zipper nito.

Sa kalituhan ay dinampot niya ang napkin at agad na pinahiran ito sa harapan. Paulit-ulit siya sa paghingi ng dispensa habang ginagawa ang dapat, pero bigla siyang natilihan dahil medyo matigas na bagay ang kanyang nasasaling.

She looked up and met his eyes again. Mas matiim yun ngayon kaysa kanina kaya napalunok siya.

That hard thing was his manhood! Diyos ko!

Chapter 1
2692 Words
Chapter 1 - Heart

TINATANTYA niya ang sariling kilos nang buksan ang pintuan ng opisina ng kanyang Manager. Agad na sumalubong sa mukha ni Heart ang malamig na simoy ng hangin mula sa loob, dahil sa malakas na air condition doon. Kasama nun ay ang mabangong amoy, amoy ng pabango ng kanyang manager sa restaurant na iyon.

She saw Vandros Montero sitting on his chair with a cigarette in his hand. Ang ekspresyon ng kanyang mukha ay hindi niya mawari. Parang maiiyak na siya, wala pa man lang nasasabi. Ni mga paa nga niya ay halos hindi pa nakakapasok sa nakaawang na pintuan.

Vandros looked her way and motioned his fingers, 'come in'. Wala itong ekspresyon. Seryosong nilalang si Vandros. Hindi ito ngumingiti at nakakailang itong tingnan pero, napakabait nitong tao. Hindi ito mayabang at hindi ito naninigaw sa kanila. He always speaks to them with ethics and respect, pero kaakibat ng mga taglay na pag-uugaling yun ang katapatan dapat nila sa trabaho, dahil baka lumitaw ang tunay na kulay nito.

That's what Heart did. She shut the door and started to gently rub her palms on the sides of her skirt, to calm her roaring emotion as she walked toward this man. She's nervous but at the same time she has other agenda in her mind. Kagat niya ang labi dahil suntok sa buwan ang pagpasok niya para magbakasakali na humiram ng pera sa kanyang manager, kahit na ang rason ng pagpapatawag nito sa kanya ay ang nagawa niyang pagkakamali kanina sa isang customer, ang lalaking matiim kung tumitig sa kanya, na para siyang kakainin nang buo.

"Hi, Heart," ngumiti si Vandros pagkasabi nun sa kanya pero hindi malaman ng dalaga kung ngingiti rin ba siya.

She stood still in front of his table and just gave a very light smile in return for that greeting.

"What happened? I need the reason why it happened," anito sa kanya sa napakalumanay na boses, tapos ay humithit ng sigarilyo.

Alam ng dalaga na ang tinutukoy nito ay ang tungkol sa pagkakatabig niya mga pagkain sa mesa ng mayamang lalaking iyon kanina.

Hindi iyon umimik. Hindi siya minura o pinagsalitaan ng kung anong masakit, na magpapamukha sa kanyang isang dakilang tanga sa harap ng marami, na serbidora na nga lang siya, wala pa siyang utak. She was wiping that man's trouser when he lifted his hand to stop her. Napaawang lamang siya at sumunod sa utos nun. Pagkatapos niyang humingi ng paumanhin nang paulit-ulit ay umalis na lamang iyon, kasama ang isa pang lalaki na kasama sa iisang mesa. Nasa meeting siguro ang dalawa, o baka bakla ang isa sa mga iyon. Hindi niya alam. Mukha namang parehong lalaki pero marami namang ganun ngayon. Bihis lalaki pero pusong mamon.

Doon siya natauhan sa pagkatulala niya, nang layasan siya ng dalawang customer na iyon. Naapektuhan na ang trabaho niya sa bigat ng problema. Pasensya na lang pero hindi siya mayaman, na hindi iniinda ang halagang limandaang libong piso para sa pagpapa-opera. At di hamak na mas mabigat doon ang kaisipan na anumang oras ay pwede na siyang mawalan ng ama. Isipin pa lang niyang nahihirapan ang Tatay niya, parang mas mauuna pa siyang mautas.

"S-Sorry po, sir Van..." hingi niya ng dispensa habang nakayuko, nasa harap ang mga kamay, magkahawak, "Nakatanggap po kasi ako ng masamang balita galing probinsya kaya po…w-wala ako sa sarili ko," dagdag paliwanag pa niya.

"Alam mo bang walang bayad ang mga naorder nila dahil sa nagawa mo? That means, kalugihan yun para sa restaurant na pinagtatrabahuhan mo. Due to that mistake also, your co-workers are affected. Tataas ang expense dahil sa pagkasayang ng mga pagkain, wala namang income."

Kinagat niya ang labi nang sulyapan ito.

"Ang halaga ng pagkain sa mesa niya ay thirty-two thousand. When you signed your contract here, did you read the policy?

Hindi niya binasa yun dahil napakarami at napakahaba. Tiwala naman siya na wala yung laman na masama dahil management naman ng restaurant ang gumawa. Si Vandros na rin ang manager noong makapasok siya rito, mahigit isang taon na ang nakalilipas.

"Salary deduction ang mangyayari ngayon, Heart," anito kaya napaangat siya ng tingin at nakanganga sa lalaki.

Maya-maya ay hindi na niya napigil ang sarili. Napaiyak siya dahil doon. It sinks in her mind. Sa sahod na lang siya umaasa, kung mababawasan pa, paano na? Hindi na niya maipaopera ang Tatay niya, wala pa ba siyang maipapadala sa mga kapatid niya? Mababalewala na ba ang pagsasakripisyo niya para makapag-aral ang kambal dahil kung hindi siya titigil ay baka di na makapagtapos ng hayskul ang mga iyon.

"Sir…" humihikbi na sambit niya.

Umangat ang mga kilay ni Vandros.

"Tuliro lang po ang isip ko. Nasa ospital po si Tatay at ooperahan sa puso. Wala po ako sa sarili kanina kaya yun nangyari. B-Baka naman po pwedeng sa mga susunod na sahod ko na lang bawasin. Huwag lang po ngayon, sir," lumuluhang pakiusap niya, "Problemado na po ako. Gusto ko nga pong makiusap na i-advance na po ang mga sahod ko p—"

"That is not possible."

Kinapalan ni Heart ang mukha at naupo siya sa silya, sa harap ng mesa ni Vandros.

"Sir, Van, please po. Kahit po ako ang makiusap kay Senyora Carmen. Kahit po isandaang libo lang na pang down payment. Please po, sir," puno ng luha ang mga mata na pakiusap niya.

niyang itanong pa rito.

Naglakad na sila papaalis.

"I told him to ask you. May mga sinabi pa kasi siyang detalye na hindi ko na masyadong naiintindihan, but to sum it up, he said that she was in need."

Sumakay sila sa kotse niya at sinulyapan ang matandang lola.

"I don't know. Bahala ka na sa kanya. Just be humane," she reminded him so he nodded.

Lagi namang ganun ang sinasabi ng kanyang lola, na maging makatao siya sa lahat ng magiging desisyon niya sa buhay. Kahit na napakayaman nila, hindi mapagmataas si Carmen. Napaka-down to Earth nito. Galing daw kasi ito sa mahirap na pamilya pero nanalo ito sa Sweepstakes sa edad na katorse, nang bumili ng ticket. Nag- invest ang mga magulang nito sa iba't ibang negosyo sa Pilipinas, at dahil may background sa Financing ang ama ng kanyang lola ay naging madali ang pagpapalago ng pera. Nakakilala si Carmen ng mga lalaki sa industriya ng negosyo, hanggang sa makilala ang kanyang lolo, na tagapagmana ng mga Montesalvo.

Nang magsanib ang dalawa sa negosyo ay nabuo ang Monteverse Investment Holdings o MIH. Ngayon ay siya na ang tagapagmana nun. May kapatid siyang babae pero hindi naman sila magka-close. Anak naman yun ng Mommy niya sa ibang lalaki. Bata pa yun, high school pa lang at nasa probinsya. Isang beses pa lang silang nagkita ni Katy, siguro ay graduation iyon nun ng elementarya. Hindi na yun nasundan pa.

That was because he didn't want to make any deep connection with his sister. Kung hindi pumagitna ang tatay ni Katy sa relasyon ng Mommy at Daddy niya, baka buo pa rin ang pamilya nila ngayon.

Lux sighed. He brushed off those thoughts again inside his mind.

He diverted his attention to Vandros. He has to call his friend. Parang nahuhulaan na niya. Hinahanap lang siya nun ay kapag may waitress iyon na iaalok, o sinumang kakilala na nangangailangan ng pera, para maging libangan niya.

Vandros sells virgins to him, of those he thought virgin perhaps. Kapag birhen ay pasado. Ibig kasi nung sabihin ay ligtas siya sa sakit dahil wala pa yung experience sa buhay. Marami na siyang natulungan kung tutuusin. May mga nakapagtapos na ng pag-aaral dahil sa bayad niya, pero wala naman dun nagtagal. Pinakamatagal na ang tatlong linggo niyang naging parausan dahil wala naman siyang pagmamahal. He easily gets bored and he doesn't get attached.

DUMATING sila ng kanyang lola sa salon and spa. Kinuha kaagad ni Lux ang kanyang smartphone para tawagan si Vandros. Hindi na siya makapaghintay.

"Hey," his Abuela held his arm and shook her head at him, "You are not going anywhere, Lux."

He chuckled, "I'm not going anywhere, Mama. I'm just going to take a call."

"Is it that confidential that you have to go outside the salon?" Nakataas ang mga kilay nito sa kanya.

Hindi siya sumagot at hindi na rin naman siya nito pinansin pa kaya tumuloy na siya sa paglabas. He just stood in front of the salon's main door while waiting for Vandros to pick up the phone.

"Bro," sambit nito pero hindi siya sumagot. Hindi naman talaga siya tipikal na madaldal na tao. Sa lola lang niya siya nakakapag-kwento, pili pa.

"What was it all about, Van?" Agaran niyang tanong.

"May alok ako, dating alok lang. Heart Chavez, twenty-one, single, I think virgin. She was the one you were badly staring at inside the restaurant. Believe me, magaling siya. May problema lang siya kaya ka niya natapunan ng mga pagkain sa mesa."

"Uhm," he nodded, "If it was boiling, my d**k is probably bruised right now."

Humalakhak si Vandros sa kabilang linya pero siya ay seryoso pa rin.

"Enlighten me about her," utos niya sa kinakapatid.

"Well, tuliro siya dahil sa ama niyang kailangan na operahan sa puso. She needs five hundred thousand, one hundred for the down payment."

"That's quite big. She's not a celebrity."

"Yet she's clean," maagap na sagot nito.

Okay. Yun lang naman ang panama. Paniguradong hindi siya magkakasakit kapag ganung klase ng babae ang makukuha niya. Barya lang naman ang limandaang libong piso sa totoo lang. Strap lang yun ng bag ni Diana.

"Interested or not? And about her penalty. Do we deduct from her salary?"

Be fair. That's what his Abuela said.

"Investigate. If she's really in need, we'll not. If she's lying, fire her right away."

"As you wish, Master," Vandros said to him, "ilang linggo at magkano kung talagang nagsasabi siya ng totoo?"

"One hundred thousand first for one week, in need or not. Fire her if she's lying. Two hundred fifty for two weeks if she's really telling the truth."

Lux entered the salon again and was ready to be groomed this time.

"Oh, thank God. Akala ko tatakas ka pa," bulalas ni Carmen sa kanya kaya naman naupo na siya para tuluyan ng mapanatag ang loob ng lola niya sa kanya.

Tumingin muli siya sa smartphone niya at may chat doon na nagmamadali niyang binuksan, only to feel disappointed with the reply of his wife.

Thumbs up.

Yun ang sagot ni Diana sa kanya. Sino bang matutuwa sa thumbs up? Siya pa naman ang tipo ng tao na ayaw ng ganung mga klase ng sagot. He wants words and not emojis.

Napabuntong hininga na lang siya. As always. Ano ba naman ang inaasahan niya kay Diana? Mas malamig pa siguro sa Glacier ang misis niya. (sa susunod...)

Address

Wescom Rd, Cunanan Road 1, Puerto Princesa City
Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm
Saturday 9am - 5pm

Telephone

+639399261394

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when My Novel Readings posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to My Novel Readings:

Share