07/03/2022
Magandang buhay ka ihaw! Masyadong mahaba tong post na to, pero pwede niyo na rin namang di basahin, hehehe. Btw. Gusto lang namin alalahanin lahat ng mga nangyare at kung paano kami nag simula. Basahin niyo nalang every caption ng mga old picture up to recent! Hehe! Rumble na yung mga pics di kuna pinagkasunod sunod ahahah
PS: Ikinalulungkot din naming ipaalam sa inyo na mahaba habang panahon na di na muna kami mag open, in short closed na po ang ihawan ni dords.
PSS: Old photos of our customers, mga naging suki, bagong kaibigan, kawentuhan at iba pa! Miss na namin kayo sobra!
Good day ulit ka ihaw! Gusto lang naming ipaalam sa inyo na sarado na po kami. Ano nga ba ang dahilan? Dahil wala na po kaming physical store, Sorry kung late na po namin kayo na update, masakit lang sa part namin na nangyayare pala na kahit anong bait mo susubukan ka parin ng panahon, Hindi ko na dapat i mention kung anong nangyare, Siguro nga hindi nga kami para sa maliit na pwesto baka gusto talaga ni Lord na magkaroon kami ulit ng malaking pwesto, kasi namimiss niyo na mag dine in samin, kumain ng isaw at bbq habang nagkwentuhan at nag iinuman, omorder ng extra rice, higupin at gawing sabaw yung s**a at sauce namin at syempre ang motto ng aming ihawan na mag "chill and grill" Hayss.
So hindi ko ilalagay sa post namin na to mag signing off na kami, day off po muna kami ng mahabang panahon 😅 Alam kong may plano si Lord 😇
Kitakits nalang sa susunod na magiging pwesto po namin ka ihaw! Sobrang miss na namin kayo! 😭