13/08/2014
Good things always come to an end. But we believe that it ends because it paves the way for something better.
We hate to break the news that our beloved 3rd Floor will no longer be available at our (previous) address. Sa wikang Filipino, wala na po kami sa dati naming tahanan.
3rd Floor Bar & Grill will have no permanent venue... for now. Maghahanap po kami ng lilipatan para maituloy ang aming nasimulan. Habang naghahanap pa kami ng bagong bahay, 3rd Floor Bar Management will be venturing into other avenues like event organizing, sponsorships and the like. Magiging aktibo pa rin kami sa eksena hangga't di pa kami nakakahanap ng bahay. We will be actively supporting other bars and venues that support the Indie Scene. We hope to see you in one of our events.
Sa mga banda na tumugtog sa stage ng 3rd Floor, maraming maraming salamat sa pagbahagi ng inyong talento sa mumunti naming stage. Saludo kami sa inyo mga mam at sir!
Sa mga production outfits, maraming maraming salamat po! 3rd Floor will never be 3rd Floor kung di po namin naidaos ang mga gig nyo samin. Susuporta po kami sa mga future events nyo, saan man yan ganapin.
Sa mga naging staff, salamat sapagkat isa kayo sa mga binabalik-balikan sa 3rd Floor. Sana makasama namin kayo muli.
Sa mga parokyano na walang sawang nagpupunta, umaaakyat ng mataas para makisaya sa mga events, at tumatangkilik sa mga produkto ng 3rd Floor, kayo po ang naging dahilan kung bakit kahit mahirap, nagpatuloy pa din kami. Maraming salamat po!
At sa mga detractors, mga huwad na nakasalamuha, sa mga manggagamit at sa mga talangka, at sa lahat ng di sang-ayon sa aming eksena.... kung san man kayo ngayon, dyan na lang kayo!!! Pero wag kayong mag-alala, sa pagbabalik namin invited pa rin kayo hehehe
Ang 3rd Floor ay nabuo dahil sa simpleng pangarap ng ilang tao na magkaroon ng outlet para marinig ang kanilang musika. Binuo namin ang 3rd Floor bilang musikero at di dahil gahaman kaming negosyante. Pero di pala sya ganung kadali. And we have to learn it over and over again on our daily operations. And unfortunately, alot of things are out of our control. We tried our best to resolve it pero di na talaga kinaya. We won't blame anybody because that's not who we are. All we'll do is learn from this and be better next time.
Again, this post is to announce 3rd Floor bar's temporary hiatus from staging events because we have no permanent venue. And ang key word dun is temporary...
Magbabalik po kami, sure yan. Ang tanong na lang e, Kelan... Marunong kaming tumanaw ng utang na luob at magpasalamat, kaya sana sa aming pagbabalik, andyan pa din kayo.
Until next time! See you at our events! \m/ o||/
The Management
PS. Punta kayo sa events namin dahil dun namin ipapamahagi ang pinangako naming free 3rd Floor Bar shirts. Salamat!