TYTUZ Club 1990

TYTUZ Club 1990 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from TYTUZ Club 1990, pure foods road lambak Court, san roque marikina city, Marikina City.

25/08/2026

Maraming maraming salamat po sa lahat ng nag-comment, nagreshare, nagbahagi ng kwento, at nagbigay ng suporta sa muling pagsasaayos ng munting basketball court ng Tytuz Club. Nakakatuwang makita na marami pa rin ang may masasayang alaala sa lugar na ito. πŸ€β€οΈ

Kung mayroon po kayong mga lumang pictures na kuha sa Tytuz Club basketball court, sana po ay ma-share ninyo sa comments. πŸ“Έ Kahit gaano pa ito kaluma, malaking bagay po na maibahagi natin ang mga larawan at alaala ng mga kabataang minsang naglaro at nagkasama-sama dito.

Bilang bahagi ng muling pagbabalik ng sigla ng ating basketball court, MAGKAKAROON DIN PO NG MUNTING PALIGA para sa mga kabataang edad 8 hanggang 12 years old! πŸ€β›ΉοΈβ€β™‚οΈβ›ΉοΈβ€β™€οΈ

Layunin natin na mabigyan ang mga bata ng pagkakataong makapaglaro, magkaroon ng bagong kaibigan, matuto ng teamwork, at higit sa lahat, magkaroon ng masasayang alaala sa ating munting court.

Para sa mga gustong sumali, magpalista po ng pangalan sa ibaba: πŸ‘‡

Dankin
Donald Celzo
Carlo De Asis Bernardo
Je De Leon

πŸ“Œ Edad: 8–12 years old lamang po muna sa ngayon. 😊

Ipo-post po namin dito ang schedule at kung kailan magsisimula ang paliga. Abangan po natin! πŸ€

Tumatanggap din po kami ng sponsors at donations para sa mga gagamitin sa palaro at para sa pagpapailaw ng court. Anumang tulong po ay malaking bagay para sa ating mga kabataan. πŸ™β€οΈ

Sama-sama nating buhayin muli ang Tytuz Club Basketball Court at gumawa ng panibagong masasayang alaala para sa susunod na henerasyon. πŸ€β€οΈ

Maraming salamat po sa inyong suporta! πŸ™

May mga lugar na kahit gaano kaliit, hindi kailanman nawawala sa ating alaala. β€οΈπŸ€Ang munting basketball court ng Tytuz ...
23/08/2026

May mga lugar na kahit gaano kaliit, hindi kailanman nawawala sa ating alaala. β€οΈπŸ€

Ang munting basketball court ng Tytuz Club ay naging saksi sa maraming kwento ng kabataan noon. Mga batang buong araw na naglalaro, nagtuturo sa isa’t isa, nagkakakilala, nagtatawanan, nagkakatalo, at higit sa lahat, nangangarap na balang araw ay maging magaling na manlalaro.

Dito nabuo ang maraming pagkakaibigan at masasayang alaala. Hindi man ito kasing laki ng ibang basketball courts, naging napakalaki naman ng lugar nito sa puso ng mga kabataang minsang tumakbo, tumalon, at humabol ng bola dito. πŸ€

At ngayon, nakakatuwang makita na ibinalik at muling binigyan ng buhay ang munting court ng Tytuz Club. Isang pagbabalik na hindi lang tungkol sa isang basketball court, kundi tungkol sa pagbabalik ng mga alaala, pangarap, at pagkakataon para sa panibagong henerasyon ng mga kabataan.

Sana, tulad ng mga batang naglaro rito noon, marami ring kabataan ngayon ang makahanap ng saya, inspirasyon, at pangarap sa lugar na ito. Dahil minsan, ang isang simpleng court lang ang kailangan para magsimula ang isang malaking pangarap. β€οΈπŸ€

Para sa mga batang noon, para sa mga kabataang ngayon, at para sa mga pangarap na darating pa. Welcome back! Salamat sa mga nagsponsor at kumilos para magawa ang lahat ng ito! πŸ™πŸ€

Ikaw? Ang kwentong Tytuz Basketball Court mo? 😁

SAN ROQUE BARANGAY DAY 2026Lubos pong pasasalamat sa lahat ng nakaisa at nakilahok ngayon taon! Congratulations sa lahat...
17/05/2026

SAN ROQUE BARANGAY DAY 2026

Lubos pong pasasalamat sa lahat ng nakaisa at nakilahok ngayon taon!

Congratulations sa lahat ng nanalo mula sa ibat-ibang samahan sa buong Barangay San Roque!!!

See you all next year!!!

17/03/2026

Muli namin kayong iniimbitahan sa banal na tradisyong ito sa darating na Huwebes at Biyernes Santo (April 2-3, 2026)
Magsisimula ito ng ika-3 ng hapon hanggang ika-12 ng tanghali. Samahan ninyo kaming magdasal, magnilay at pagsaluhan ang biyayang kaloob ng Dios sa atin.

Magkita kita po tayo sa Purefoods Road Barangay San Roque, Marikina City.

SA DIOS ANG PAPURI AT PASASALAMAT!

17/08/2023

At eto na nga! πŸ˜‚πŸ˜…

Tug-of-war Tytuz Club edition! πŸ’ͺ🏼
SENIOR VS YOUTH MEMBERS.

Kayo na humusga kung bakit kami Champion dito sa laro na to πŸ˜πŸ˜‰



πŸ“Έ Dankin

Tug-of-war Tytuz Club Seniors vs Youth Members πŸ’ͺπŸΌπŸ‘πŸ»πŸ’žNagkaalaman na po! πŸ˜…πŸ˜πŸ˜‰
16/08/2023

Tug-of-war
Tytuz Club Seniors vs Youth Members πŸ’ͺπŸΌπŸ‘πŸ»πŸ’ž
Nagkaalaman na po! πŸ˜…πŸ˜πŸ˜‰

Happy Fiesta! πŸŽ‰
16/08/2023

Happy Fiesta! πŸŽ‰

16/08/2023
Happy Fiesta Tata Roque! πŸŽ‰Isa sa pinakaaabangan na araw buong taon ng bawat matanda higit lalu ng kabataan and kapistaha...
16/08/2023

Happy Fiesta Tata Roque! πŸŽ‰

Isa sa pinakaaabangan na araw buong taon ng bawat matanda higit lalu ng kabataan and kapistahan ng ating mahal na Patron San Roque.

Maraming salamat sa lahat ng nakilahok at nakisaya sa mga palarong inihanda ng aming samahan para sa pagdiriwang ng araw na ito.

Ikaw? Anong paborito mo sa fiesta natin? πŸ˜‰

πŸ“Έ Ctto

16/08/2023

Maligaya at pinagpalang kapistahan para sa Mahal na Tata Roque ng bayan ng Marikina. 🀎

Ampunin mo kami't kupkop, Roqueng kapalara'y puspos. Nang kami'y maging karapat-dapat sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon. 🌷

Address

Pure Foods Road Lambak Court, San Roque Marikina City
Marikina City
1801

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TYTUZ Club 1990 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share