18/09/2023
EDUKALSADA101: Alam mo ba na ang 'Lane Hogging' o pananatili sa overtaking lane o passing lane ng expressway ay bawal?
Maaaring maging sanhi ng aksidente ang pananatili sa overtaking lane kung ikaw ay hindi mag-o-overtake dahil napipilitan ang ibang sasakyan na gumamit ng ibang linya para ika'y lagpasan.
Bukod pa rito, may kaakibat na violation na 'Disregarding Traffic Sign' ang mga motoristang mahuhuli na gumagawa ng 'Lane Hogging' na may penalty na nagkakahalaga ng Php 1,000.
Kaya sa susunod na ikaw ay daraan sa expressways, 'wag maging Lane Hogger!