21/10/2026
📢 ANUNSIYO PUBLIKO
BARANGAY ASSEMBLY DAY
Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga kabarangay na makiisa at dumalo sa Barangay Assembly Day – 2nd Semester, CY 2026 ng Barangay Quezon, Lipa City.
📅 Petsa: Oktubre 24, 2026 (Sabado)
⏰ Oras: 8:00 AM
📍 Lugar: Brgy. Quezon Covered Court
“Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.”
Ang inyong pagdalo at pakikiisa ay mahalaga. Sama-sama po nating itaguyod ang isang mas maunlad, nagkakaisa, at aktibong Barangay Quezon.
Maraming salamat po!
❤BrgyQuezon