25/05/2026
Maraming maraming salamat sa lahat ng bandang tumugtog at nagbahagi ng kanilang talento, lakas, at puso para maging matagumpay ang 18th Annual Icemusic Fest
saludo kami sa inyong dedikasyon at suporta sa lokal na musika at eksena ng Bicol.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng sponsors na naniwala at tumulong upang maisakatuparan ang taunang tradisyong ito. Dahil sa inyo, patuloy na nabibigyan ng entablado ang mga banda na nangangarap at lumalaban para sa musika.
At higit sa lahat, SALAMAT sa lahat ng dumating, nakisaya, naki-headbang, umawit, at sumuporta hanggang dulo ng gabi. Kayo ang tunay na buhay ng ICEMUSIC Fest. Sa loob ng 18 taon, patuloy nating pinapatunayan na buhay na buhay ang musikang Bicolano at ang pagkakaisa ng ating komunidad.
Hindi lang ito simpleng pagtitipon — isa itong pamilya, kultura, at tradisyon na patuloy nating bubuhayin taon-taon.
Hanggang sa muli…
mabuhay ang musikong Bikolano
Mabuhay ang bilog na Bikolnon