21/02/2026
“Remember that you are dust, and to dust you shall return.” (Genesis 3:19)
Kaisa tayo ngayong araw ng sambayanang Katoliko sa paggunita ng Ash Wednesday, isang makapangyarihang paalala ng ating pagiging mortal at ng ating patuloy na pangangailangan sa paggabay ng Diyos. Ito ay paanyaya sa atin na magnilay, magsisi, at magbalik-loob, hindi lamang sa pamamagitan ng salita, kundi sa pamamagitan ng konkretong gawa ng kabutihan, katarungan, at malasakit sa kapwa.
Sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng ating bansa at ng bawat pamilyang Pilipino, nawa’y magsilbing panahon ang Kuwaresma upang pagtibayin ang ating pananampalataya, pag-asa, at pagkakaisa. Nawa’y ang panalangin, pag-aayuno, at kawanggawa ay maging gabay natin sa pagtataguyod ng isang lipunang may malasakit at dignidad para sa lahat.
Isang mapagpalang Kuwaresma sa ating lahat