12/06/2026
Ngayong araw ng kalayaan, ginugunita natin ang tapang at sakripisyo ng mga Pilipinong lumaban para sa ating kalayaan. Ipinagdiriwang natin ang araw na ipinahayag ng Pilipinas ang kalayaan mula sa pananakop. Ito ay paalala ng ating pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at patuloy na pakikibaka bilang isang malayang bansa.
Mahalagang alalahanin ang araw na ito dahil ang kalayaan ay bunga ng dugo, pawis, at buhay ng ating mga bayani. Bilang mga Pilipino, tungkulin nating pahalagahan at ipagpatuloy ang kanilang ipinaglaban. Lalo na sa panahon ngayon kung saan nananatili ang mga suliraning tulad ng korapsyon, kawalan ng pananagutan, at mga anyo ng kawalang-katarungan. Ang tunay na kalayaan ay hindi lamang pagiging malaya sa dayuhang mananakop kundi ang pagkakaroon din ng isang lipunang makatarungan para sa lahat
Kaisa ang UP Peninsulares sa paninindigan para sa mapagpalayang pagpapahayag ng katotohanan at katarungan na dapat matamasa ng isang malayang pilipino. Patuloy tayong makilahok, manindigan, at kumilos para sa isang Pilipinas na tunay na malaya.