28/03/2023
[UPDATED - FILIPINO TRANSLATION INCLUDED]
Recently, there has been a circulating Facebook post about the lethality of a certain grilled egg delicacy (i.e., grilled balut or inihaw na balut) due to its production of hydrogen sulfide (H2S). Although this post was meant to inform consumers about the associated health risk, it seems to be misleading. While the explained science in the post is true, the conclusion was taken out of context.
The proteins of the egg whites contain sulfur that reacts with hydrogen during the heating of eggs, resulting in the formation of H2S.[1,2] Although a known toxic gas, especially during exposure at moderate to high concentrations,[3] H2S is released in such small amounts that it cannot pose any health risks.[1,2,4] For additional context, the highest H2S concentration that can be produced by an egg is around 0.2 ppm which happens when the egg is already rotten.[5] Meanwhile, the allowable exposure limit for H2S is 20 ppm and must reach a concentration of 100 ppm in order to cause dangerous effects on health and life.[6]
Additionally, as the heating prolongs, H2S goes inwards towards the egg yolk due to the decreased solubility of the egg white.[1,2] This gas reacts with the iron subsequently released from the yolk during heating, forming iron sulfide.[7,8] This dark-greenish tinge observed on the surface of the yolk due to overcooking may taste and appear unappealing, but it is not considered detrimental to human health.[9,10,11]
Content by: Carl Baluyut, GD Canapi, and Jomi Rodriguez
Pub by: Carl Baluyut
----------
TL;DR: Ligtas kainin ang inihaw na balut. Kapag niluluto ang itlog, nabubuo ang hydrogen sulfide (H2S) ngunit hindi ito sapat upang magdulot ng panganib sa kalusugan.[1,2,4]
---
Kamakailan lamang ay may kumakalat na Facebook post ukol sa hindi ligtas na pagkonsumo ng inihaw na balut dahil umano sa nakalalasong kemikal na hydrogen sulfide (H2S) na nagmumula sa pag-iihaw nito.
Bagaman hangad lamang ng naturang post na magbahagi ng kaalaman patungkol sa panganib na kaugnay rito, naiba ang interpretasyon o nawala sa wastong konteksto ang ipinahayag na siyentipikong eksplanasyon.
Ang puti ng itlog ay mayroong natural na sulfur na kapag naiinit buhat ng pagluto ay nagre-react sa hydrogen na nagiging dahilan ng pagkabuo ng H2S.[1,2] Tunay ngang nakalalason ang H2S lalo na kung mataas ang lebel nito.[3] Subalit, ang nabubuong H2S tuwing nagluluto ng itlog ay kalimitang kakaunti lamang at hindi makapagdudulot ng negatibong epekto sa kalusugan.[1,2,4] Sa katunayan, ang pinakamataas na konsentrasyon ng H2S na maaaring makuha sa itlog ay 0.2 ppm na nangyayari lamang kapag ito ay bulok na.[5] Ayon sa mga eksperto, walang nakaambang panganib ang exposure ng tao sa 20 ppm ng H2S at kinakailangan muna nitong makaabot ng 100 ppm bago magdulot ng direktang panganib sa kalusugan at buhay.[6] Kung susumahin, katumbas nito ang minsanang pagkain ng 500 na bulok na itlog bago magdulot ng panganib sa buhay ang H2S.
Dagdag pa rito, habang tumatagal ang pagluto ng itlog, bumababa ang solubility ng puti ng itlog kaya naman puwersahang naililipat ang H2S patungo sa p**a ng itlog.[1.2] Ito ngayon ay nagre-react sa iron na mula sa p**a ng itlog upang mabuo ang iron sulfide na maaring matukoy mula sa dark-green na kulay sa paligid ng p**a ng itlog.[7,8,9,11] Ang iron sulfide ay indikasyon ng overcooked na itlog na posibleng sanhi ng kakaibang itsura at lasa ng itlog ngunit kadalasan, hindi ito nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng tao.[9,10,11]
Translation by: Edward De Guzman