21/10/2026
⚖️ FOUR LINKS. ONE SEIZED ITEM. CAN YOUR EVIDENCE SURVIVE SCRUTINY?
🚨 CHAIN OF CUSTODY under Republic Act No. 9165
Sa bawat anti-drug operation, hindi sapat na may nakumpiskang illegal drugs. Dapat mapatunayan na ang ebidensiyang iniharap sa korte ay siya ring nasamsam noong operasyon at napanatili ang identity at integrity nito.
Para sa anti-drug investigators, evidence custodians, at prosecutors, tandaan ang apat na link:
🔹 LINK 1: SEIZURE, MARKING, AND INITIAL CUSTODY — Agad na markahan ang seized item, hangga’t practicable, sa presensya ng apprehending officer o poseur-buyer at ng taong pinagsamsaman. Panatilihin ito sa ligtas at kontroladong custody.
🔹 LINK 2: TURNOVER TO THE INVESTIGATING OFFICER OR DESIGNATED EVIDENCE CUSTODIAN — I-document ang turnover, kabilang ang pangalan at pirma ng nag-turn over at tumanggap, petsa, oras, lugar, kondisyon ng item, markings, at packaging.
🔹 LINK 3: TURNOVER TO THE FORENSIC CHEMIST OR LABORATORY — Ipadala agad ang seized items sa forensic laboratory para sa pagsusuri, alinsunod sa applicable rules. Panatilihin ang markings, tamang packaging at sealing, laboratory request, receiving records, at iba pang custody documents.
🔹 LINK 4: PRESENTATION IN COURT — Maipaliwanag sa korte ang identity ng item, markings, kondisyon ng packaging, resulta ng laboratory examination, at mga taong humawak dito. Layunin nitong mapatunayan ang identity at integrity ng ebidensiya.
📌 SECTION 21 ng RA 9165, as amended by RA 10640
Sa lugar ng seizure, o sa pinakamalapit na police station o opisina ng apprehending team kung hindi practicable doon, isagawa ang physical inventory at photography sa presensya ng:
1. Akusado o kaniyang kinatawan o abogado;
2. Isang elected public official; at
3. Isang representative ng National Prosecution Service o ng media.
Dapat pumirma ang mga witness sa inventory at mabigyan ng kopya nito. Pagkatapos ng seizure, marking, inventory, at photography, i-turn over ang items sa forensic laboratory sa loob ng panahong itinakda ng batas. I-record ang bawat turnover at kondisyon ng ebidensiya.
⚠️ Ang paglabag sa procedure ay hindi awtomatikong nagpapawalang-bisa sa ebidensiya. Ngunit dapat maipakita ng prosecution ang justifiable grounds para sa deviation at ang mga hakbang na ginawa upang mapanatili ang identity at integrity ng seized items.
Hindi sapat ang pangkalahatang paliwanag. Dapat malinaw kung anong requirement ang hindi nasunod, bakit ito nangyari, at paano naiwasan ang substitution, contamination, pagkawala, o pagbabago ng ebidensiya.
Ang maling marking, kulang na dokumentasyon, kawalan ng required witness, hindi pagsasagawa ng inventory o photography, at hindi maipaliwanag na gap sa custody ay maaaring magdulot ng makatwirang pagdududa sa kaso.
Remember: Bawat turnover ay dapat may malinaw na record. Every person who handles the evidence must be accountable. Ang compliance sa Section 21 ay mahalaga sa pagprotekta sa ebidensiya at sa karapatan ng lahat ng panig.
Sa imbestigasyon, hindi lang dami ng ebidensiya ang mahalaga—ang integridad nito ang susi sa matibay, makatarungan, at legally sustainable na prosecution.
📚 For legal education and investigator awareness.
⚖️ BADGE AND BAR — The Investigator’s Brief