Amethystjoana Dreame

Amethystjoana Dreame This page is all about and her books on Dreame

27/04/2024

Magsusulat daw? Ang ending, hindi magkaintindihan kung manonood ba ng movie, ng Queen Of Tears o magbabasa?

13/04/2024

Tigilan mo 'ko, Sarah sa kasa-SUN DANCE mo, ha! Gusto na naming umulan! Parang awa mo na! 🤣

08/04/2024

Kapag ako talaga naging mayaman, bibili ako ng sariling mundo! Dalawa lang bawal do'n, tsismosa at pakialamera!🤣

06/04/2024

Wala na nga akong maisip isulat, 'tong si Facebook, tanong pa ng tanong! What's on your mind, Joana?😁

05/04/2024

'Yong mga sintunado na takot kumanta dahil baka umulan, ngayon namin kayo kailangan!
Parang awa niyo na...🤣😭

02/04/2024

Life isn't going to be perfect, however there is always something to be grateful for! Waking up every day is a blessing already!

 /YUGTO  ⚠️⚠️⚠️EXCERPT📌 Umupo siya sa sofa, sumadal doon saka pumikit. Doon na lang niya hihintayin ang asawa. Maya-maya...
02/04/2024

/YUGTO

⚠️⚠️⚠️

EXCERPT📌

Umupo siya sa sofa, sumadal doon saka pumikit. Doon na lang niya hihintayin ang asawa. Maya-maya pa, narinig niyang may tumigil na motor sa harapan ng bahay nila. Kasunod noon ay ang pagbukas ng main door nila.

"H-hon?" gulat nitong sambit, bahagya pang nautal.

"Saan ka galing?" tanong niya sa mababang tono.

"Nag-stroll lang, hon," tugod nito. "Kasama ko ang mga kasamahan ko sa Riders Club."

"Sinungaling," mariing sambit niya, kasabay ng pagsilay ng mapait na ngiti sa kanyang labi.

"A-anong ibig mong sabihin, hon? Talaga namang kasama ko ang mga tropa kong riders." Tinangkang magpaliwanag ni Jace sa asawa.

"Pwede kang magsinungaling sa ibang tao, pero hindi sa akin, Jace," naluluhang usal niya. "Kilalang-kilala kita. Bawat kurap ng mata mo, bawat kibot ng labi mo at bawat hininga mo, kilala ko kaya huwag na huwag kang magsisinungaling sa harapan ko dahil hindi ko bibilhin 'yang mga palusot mo."

"Ara-"

"Mamili ka, 'yong babaeng naka-angkas sa motor mo kanina o kaming mag-ina mo?" tanong niya kay Jace sabay hagis ng mga damit nitong basta na lang niyang inilagay sa isang eco bag.

Title: BROKEN VOWS
Author: AMETHYSTJOANA
Genre: ROMANCE/DRAMA
Dreamelink: https://m.dreame.com/novel/2553683712.html
Yugtolink: https://m.yugtofiction.com/novel/Yo5/EynAYb3q66c07BGUUA==.html
___________________________________________________________________

Yugto Onelink: https://yugtomedia.onelink.me/PpOv/1016d7f1
Dreame Onelink: https://dreame.onelink.me/mOD1./b3a92c09?pid=group&c=gddlink

Title: STILL YOURSAuthor: AMETHYSTJOANAGenre: Steamy Romance/DramaLink: https://www.goodnovel.com/book/STILL-YOURS_31000...
30/03/2024

Title: STILL YOURS
Author: AMETHYSTJOANA
Genre: Steamy Romance/Drama
Link: https://www.goodnovel.com/book/STILL-YOURS_31000715070

Chapter One:💞

“Watch out!” Babala ng isang tinig. Kasabay noon ay ang mabilisang pag-ikot ng isang kamay sa kanyang baywang sabay hila sa kanya palayo sa glass door. “That was close,” dagdag pa nito.

Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses. Tumambad sa kanya ang isang lalake na sa hula niya ay nasa anim na talampakan ang taas, makisig ang pangangatawan at kaakit-akit ang mukha. Ngunit ang higit na kumuha ng kanyang atensyon ay ang mga mata nitong nakatitig sa kanya at ang labi nitong mamula-mula na hula niya ay hindi man lang nasayaran ng sigarilyo.

“Miss, are you alright?” tanong pa nito.

“Ahh...o-okey lang ako,” tugon niya, bahagya pang nautal.

Tumango-tango ito. “That's good to hear.”

“Thank you, sir!” pahabol niyang sambit bago pa man ito tuluyang makalayo.

Hindi ito lumingon sa kanya ngunit itinaas nito ang isang kamay na para bang sinasabi na walang anuman.

Saglit niya lang na natitigan nang malapitan ang mukha nito ngunit para bang kay dali para sa kanya na ma-memorize ang kabuuang mukha nito. Matangos ang ilong nito at mukhang masarap halikan ang mamula-mula nitong mga labi. Lalakeng-lalake rin ang dating nito at nangingibabaw ang tayo nito sa karamihan. Hindi niya maiwasang mangarap na sana balang-araw, magkaroon ng lalakeng bukod sa mabait at responsable ay pogi at mayaman pa. Libre namang mangarap kaya dapat na niyang lubos-lubusin na kahit pa alam niyang imposible mangyari ang kanyang hinihiling. Lalo na at tanaw niya si Krenan Le Pierre na may inaalalayang babae papasok sa kotse nito. Noon pa man ay lihim na niya itong hinahangaan. Pero mukhang ngayon pa lang ay dapat na niyang tanggapin na hanggang paghanga lang talaga siya rito. Dahil ang buhay niya ay hindi katulad ng mga teleserye at nobelang nagkakaroon ng happy ending ang pagmamahalan ng isang maralitang katulad niya sa isang mayaman na katulad ni Krenan.
Ang hindi niya alam, mula sa loob ang kotse ay hindi maiwasang titigan ni Krenan sa kanyang sideview mirror ang dalagang tinulungan nito kanina na ngayon ay kipkip ang bag at nag-aabang ng masasakyan sa gilid ng kalsada.

Krenan Le Pierre couldn’t help but smile. Kung hindi sa kanya, marahil ay nauntog na ito sa malaking salamin sa maindoor ng kumpanya nila. Mukhang preoccupied ang isip nito na hindi na napansin ang nasa harapan nito.

"Sa bahay mo na ako ihatid!" narinig niyang sambit ni Missy. Mukhang may topak na naman ang kanyang best friend.
Hindi na siya umimik pa. Basta na lang din itong bumaba ng kanyang kotse pagkahatid niya rito. Siya naman ay dumiretso na nang uwi.

Naging masaya at puno ng kulitan ang kanilang hapunan ng gabing ‘yon. And it warms his heart. At kung may isang bagay man siyang inaasam balang-araw, iyon ay ang magkaroon ng buo at masayang pamilya. Katulad nang nakikita niya sa mommy at daddy niya. Kung paano sila pinalaki at inalagaan, gusto niya, ganoon din kapag nagkaroon na siya ng pamilya. Someday but not soon.
It was already past eleven in the evening when he went downstairs. Ang buong akala niya, tulog na ang lahat ngunit nadatnan niyang nag-uusap ang kanyang mommy at daddy sa kusina. Kita niyang nagkakape ang mga ito.

“Pangaralan mo ang anak mo, Amadeus. Hindi ko gusto ang ginagawa ni Krenan.”

Napahinto siya sa pagpasok sa kusina ng marinig niya ang kanyang pangalan. Alam niyang mali ang makinig sa usapan ng mga ito pero mas nanaig ang kanyang kiyuryusidad.

“Babe, matanda na ang anak natin. Alam na niya ang tama at mali.”

“Alam? Really?” bulalas ng kanyang mommy. “So, kailan pa naging tama ang sumiping sa babaeng hindi mo asawa? Ni hindi nga niya girlfriend ‘yong babae pero may nangyayari sa kanila? God! Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpapalaki sa anak natin? Pabaya ba akong ina? Ha? Amadeus?”

“Natasha!” Mahina ngunit mariin ang boses ng kanyang daddy. “You know that we raised them well. Maaaring may mga pagkukulang tayo bilang mga magulang nila pero alam natin na ginawa natin ang lahat upang maging mabuti silang mga bata. Inalalagaan natin sila para maging handa sa buhay. At umasa tayong sa huli, pipiliin nilang maging tama, hindi dahil takot sila sa atin kundi dahil alam nila sa sarili nila na tama ang ginagawa nila. Let’s trust them, babe.”

Nakita niyang niyakap ng kanyang daddy ang kanyang mommy.

“Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka magkamali sila. At sa huli ay masaktan at mapahamak sila. Takot din akong makapanakit sila dahil lang nagkamali sila sa desisyon na pinili nila. Parang hindi ko kakayanin kung masasaktan sila, Amadeus.”

“It may hurt us, babe. I know. Dahil ako man, takot na magkamali sila o kaya ay masaktan pero wala tayong magagawa dahil gano’n talaga ang buhay. Ang mahalaga, nasa tabi nila tayo, palaging gumagabay at nakahandang umalalay sakali mang magkamali sila o masaktan.”

Biglang nanikip ang kanyang dibdib dahil sa narinig mula sa kanyang mommy at daddy. Ang kanyang pagkauhaw ay dagling nawala, mas nanaig ang hindi niya mapangalanang damdamin. Bumalik siya ng kanyang kuwarto at ipinasyang mamaya na lang ulit bumaba kapag nakapasok na sa kwarto ang dalawa.
He lay on his bed, still thinking about what his mom said. Her words matter to him. At hindi niya maiwasang hindi masaktan kanina.

He let out a heavy sigh, then close his eyes. Palagi niyang sinasabi sa kanyang sarili na hindi na siya bata yet he still act like one. So immature.

May isang oras din siguro siyang nakahiga, nakatulala lang sa kawalan. Walang direktang iniisip. He felt empty all of a sudden.
Maya-maya ay narinig niya ang dahan-dahang pagbukas ng pinto sa kanyang kwarto kaya agad siyang pumikit. Alam niyang ang kanyang mommy ‘yon. Palagi itong dumadaan sa kanya bago ito tuluyang pumasok sa kwarto ng mga ito. Naramdaman niya ang banayad na paghalik nito sa kanyang noo kasabay ng pabulong nitong mga salita, sinasabi kung gaano siya nito kamahal. Saka lang siya dumilat ng marinig niya ang pagsarado nito ng pinto.
Huminga siya nang malalim pagkatapos ay lumabas na ng kanyang kwarto saka nagdiretso ng kusina upang uminom. Baka sakali rin na maiibsan noon ang kahungkagan na kanyang nadarama. But sad to say, mas lalo lang siyang malungkot ng mapagtanto ang katahimikan ng buong bahay.

Sa huli, bumalik siya sa kanyang kwarto upang matulog na. Hoping that the next day would bring out something good and exciting.
Hindi naman niya akalain na agad namang diringgin ng Diyos ang kanyang panalangin ng makita niya ang bagong personal assistant ng kanyang mommy. Sa pagkakatanda niya, ito ‘yong babaeng muntikan ng mauntog sa glass door. Ngunit ‘di hamak na mas maganda at kaakit-akit ang itsura nito kaysa una niya itong nakita. Seeing her wearing that black pencil skirt and a turtleneck top just caught him. Career women attracts him the most at habang nakikita niya itong naglalakad kasabay ng kanyang mommy habang palabas ng opisina, hindi niya maiwasang habulin ito ng tingin. She looks gorgeous but she doesn’t seem to know it. Pinakatitigan niya ang mukha nito. The plumpness of her rosy cheeks and the fullness of her lips attracts him, too. She looks young but he could see the confidence as she walk side by side with his mom.

God! Kapapangako pa lang niya kagabi na magbabago na siya pero bakit sinusubok palagi ang kanyang katatagan? Dahil ng mga oras na ‘yon, alam na alam ng Diyos kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Ang having his mom’s new employee is not helping him!

“Masama ba ang pakiramdam mo ‘nak? Bakit ang p**a ng mukha mo?” tanong ng kanyang mommy. Hindi pa ito nakuntento at itinaas nito ang kamay sa noo at leeg niya. “Wala ka namang lagnat, eh…”

“I’m fine, mom. Mainit lang kasi dito sa labas.” Pilit siyang lumusot.

Mukhang naniwala naman ito.

“Then why are you here? Tapos na ba ang pasok mo?”

“Opo. Dumaan lang ako saglit para makita ka.” Kapagkuwan ay nilingon niya ang bago nitong PA saka ginawaran ito ng isang ngiti.

“Good afternoon, sir! Ako nga po pala si Amber, ang bagong PA ng mommy niyo,” anang dalaga, diretso ang tingin sa kanya.
Hindi niya maiwasang hindi humanga sa nakikitang kumpiyansa nito ngayon. Malayo sa nakita niya kahapon kung saan parang lutang ang isipan nito.

“Pwede ka ng umuwi, Amber.” Bago pa man siya makasagot sa dalaga ay sambit ng kanyang ina. “Wala na naman akong gagawin at maya-maya ay uuwi na rin ako.”

“Thank you, Ma’am,” tugon nito. Saglit itong tumingin sa direksyon niya, tumango saka nagpaalam sa kanila.

Pasimple niya itong sinundan ng tingin. She really is bothering him but not in a bad way. Mas nakakaramdam nga siya ng excitement dahil sa nakita niyang awra nito kanina.

“Mom!” bulalas niya ng hampasin siya sa braso ng kanyang mommy. Kanina pa pala ito nakatingin sa kanya.

“Krenan, ha? Huwag mong idamay si Amber sa mga kalokohan mo!”

“I won’t,” mabilis niyang tugon. Nginitian lang niya ang mapanuring tingin ng ina.

Hindi naman niya akalain na agad susubukin ng Diyos ang kanyang pagtitimpi dahil nang gabing ‘yon ay nakita niyang muli si Amber sa bar na pinuntahan nilang magkakaibigan. And again, she never fails to caught his attention. Seeing her confidently mix and serve drinking orders, she may not be aware of it but she looks hot to him.

“Vodka, please,” sambit niya habang nakatitig dito.

Nakita niyang saglit itong natigilan ng mag-angat ng tingin at makitang siya ang nasa harapan nito. He was expecting her to acknowledge him but she just glance at him for a seconds then she went back to what she was doing.

Mabilis ang mga kilos at galaw nito. Magmula sa pagkuha nito sa bote ng alak hanggang sa pagsalin nito sa baso ay nakasunod ang kanyang tingin. At parang hindi man lang ito naba-bother sa kanyang presensiya.

Nakikita niyang abala ito sa trabaho kaya hindi na niya ito kinausap. Pero manaka-naka ang ginagawa niyang pagsulyap dito habang kasama ang mga kaibigan. At kahit nauna ng umuwi ang iba niyang kasama, nagpasya siya manatili ng makitang naroon pa ang dalaga.
It was already midnight when he saw her leaving. And that’s when he hurriedly followed her. Naabutan niya itong nakatayo sa labas ng bar, kunot ang noo habang nakatingala sa madilim na gabi. Umuulan kasi.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito. Saglit itong lumingon sa kanya ngunit hindi naman nagsalita.

“May lihim ka bang galit sa akin?” Hindi na siya nakatiis na hindi magtanong dito. Feeling niya kasi, may hidden grudge ito sa kanya.

“Wala, sir. Hindi ko lang po alam kung paano kayo pakikitunguhan,” paliwanag nito.

“Just talk to me casually,” mabilis naman niyang sabi.

“Magkaiba ho tayo.”

Hindi niya maiwasang mapangiti. “Paanong naging magkaiba tayo? We’re both human beings. Unless, isa sa atin ang alien.”

She just look at him flatly. Na lalo naman niyang ikinatawa.

“Hey! Loosen up, okay?” Sinubukan niyang pagaanin ang sitwasyon ngunit mas lalo pa yatang napasama.

“Magkaiba tayo ng sitwasyon, sir,” anito sabay hinga nang malalim. Mukhang may pinaghuhugutan. “As you can see, nagpunta kayo rito ngayong gabi para mag-enjoy samantalang ako, pagkatapos magtrabaho kanina, narito naman upang rumaket! Kaya hindi niyo pwedeng sabihin sa isang tao to loosen up lalo na kung hindi niyo naman alam kung ano ang kanyang kalagayan at kung para saan, para kanino ang pagtratrabaho niya nang sobra, sir!”
He was taken aback with what she said. Mukhang namis-interpret nito ang kanyang sinabi.

“I’m sorry. Hindi naman ‘yon ang gusto kong ipakahulugan.”

Hindi ito sumagot sa kanya ngunit narinig niya ang pagbuntung-hininga nito nang malalim. Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Walang nagsasalita habang nakatingin sa mabilis na patak ng ulan sa kanilang harapan. Madilim ang paligid, malamig ang panahon at nakalulungkot ang atmospehere ng paligid.

Kung may isang bagay man siyang pinakaayaw, iyon ay ang ganitong panahon. Kung saan nawala na ang liwanag at nanaig na ang kadiliman sa buong paligid habang malakas ang patak ng ulan.
Nakakawala ng sigla. Na para bang iniwanan siya.

Huminga siya nang malalim, saglit na nilingon ang katabi. Nakatitig din ito sa ulan, parang wala sa sarili. Pero kung may ipinagpapasalamat man siya ng mga oras na ‘yon, iyon ang presensiya nito. At least, hindi siya nag-iisa.

Maya-maya ay gumuhit ang matalim na liwanag sa kalangitan dahilan upang maaninag niya ang mukha ng katabi. Natigilan siya na parang pati paghinga niya ay pinigilan niya upang hindi maabala ang dalaga.

Dahil katulad ng pagtangis ng langit, gano’n din ang nakita niya sa mukha nito. He saw the pain, the weariness and the loneliness in her face.

And he felt that urge to hug her and tell her that everything was gonna be okay.

"Magiging okey din ang lahat, okey?" bulong niya rito.

Nagtama ang kanilang mga mata nang lumingon ito sa kanya, and for the first time, he saw her smile. And together, they stand there without saying anything as they watch the rain falls.

CHAPTER ONE: For the last time, I look at myself in the mirror. I was wearing a pair of straight knee-length skirts with...
25/10/2022

CHAPTER ONE:

For the last time, I look at myself in the mirror. I was wearing a pair of straight knee-length skirts with a turtleneck t-shirt. My hair was neatly tied in a ponytail and with just subtle makeup on. Then I wear a peep-toe stiletto to complete my look. Panghuli ay dinampot ko ang aking purse na nakapatong sa ibabaw ng mesa saka lumabas ng aking kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto, nadaanan ko ang mommy at daddy na abala sa panonood.

"Alis na po ako," pamamaalam ko.

They both look in my direction.

"You look gorgeous, darling," my dad said. I could see the adoration in his eyes.

"Totoo ang sinabi ng daddy mo, baby," dagdag pa ng mommy ko.
Napairap na lang ako saka pabirong nagsabi, "Pero wala pa ring boyfriend at the age of thirty."

Umupo ako sa pagitan ng mga ito.

"Who knows, baby? Maybe, tonight will be your lucky night. And finally, you will meet the man of your dreams." Hopeless romantic talaga ang aking mommy. Up until now, she's still hoping that someone might come and will love me and will treat me like a queen. God! Those were only in the fairy tales! Kaya nga umabot ako ng edad na trenta dahil dalawang beses na akong naloko. At ang sinasabi ng mommy kong lalake na magmamahal sa akin, kung meron man, siguro one in a million na. Swerte na lang nito at sa huli ang daddy ko pa rin ang nakatuluyan nito.

"I don't think I could find someone who will accept and love me wholeheartedly. And besides, I'm old enough for that kind of stuff."
Napalingon ako kay daddy nang marinig ko ang mahina nitong pagtawa.

"You wouldn't know when the universe conspired in giving what your heart desires, darling," my dad said. His wrinkled hands caress my face as he looks at me tenderly. "Don't lose hope. And besides, sino ba ang nagsabing matanda ka na? Darling, you look like you're just eighteen!"

"Oh, God! I must go now," I said, then kissed both my parents' cheeks. "I must go now before my fairy godmother turns off the spell on the man of my dreams."

Napailing na lang ang mga ito habang nakatanaw sa aking paglabas ng bahay.

Three hours before the event, dumating ako sa Aquarius Events Centre upang siguruhin na maayos ang lahat ng preparations ng aking mga tao sa gaganaping first major concert ng bandang The Feelers.

Pagkababa ng kotse, agad akong pumasok sa venue. Napansin kong tumahimik ang mga tao, napalingon sa gawi ko. Kasunod noon ay ang taguktok na lang ng suot kong four inch stiletto ang maririnig habang nag-iikot, iniisa-isang tanungin ang aking mga tao kung maayos ba ang lahat. So far, mukhang okey naman ang lahat. Alam na alam kasi ng mga ito kung gaano ako ka-passionate sa aking trabaho kaya sinisigurado kong nasa maayos ang lahat. I can be harsh and intimidating at times pero alam ng mga ito na kapag maayos ang trabaho mo, bukod sa sahod mo, may bonus ka pang matatanggap.

"Keep doing the good work guys!" sambit ko maya-maya. "At kung maging okey ang kalabasan ng concert mamaya, kung maganda ang makuhang feedbacks natin, alam niyo na ang ibig sabihin no'n."

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga ito.

"Huwag muna kayong magbunyi," sambit kong muli. "Ayusin niyo ang trabaho mamaya. Bawal magkamali. At kung magkaro'n man, dapat may nakahanda ng plan B at plan C, okey? Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes, Ma'am!" hiyaw ng mga ito.

Kaagad naman akong nagtungo sa isang kwarto kung saan naka-install ang monitors kung saan nakikita ko ang kabuuang venue. Bihasa na ang aking mga tao kaya hindi ako nag-aalala na magkakamali dahil umpisa pa lamang, inihahanda na namin ang possible solutions in every possible struggles that we may encounter. Halos lahat ng mga kasama ko ngayon ay siya ko ring mga kasama noong nagsisimula pa lang ako bilang isang event organizer. Alam ko na ang kakayahan ng bawat isa, kung saan sila magaling kaya hindi na mahirap para sa akin ang trabahong ito. And besides, I'd been on this kind of work for almost ten years now. Hindi naman lalago ang aming negosyo kung bara-bara lang ang gawa namin. And tonight is their biggest event. Ang first major concert ng bandang The Feelers na kinalolokohan ng mga kabataan ngayon. More likely ng mga kababaihan.

Alas otso ng gabi ang opening ng concert. Tumingin ako sa aking relo, seven-thirty in the evening. Anumang sandali ay mag-uumpisa na ang concert. Punong-puno ang venue ng Aquarius na mga kababaihang hindi magkamayaw sa kasisigaw ng pangalan ng bawat isang miyembro ng banda. Ang The Feelers ay isang all male group na hindi naman maipagkakailang may kanya-kanyang taglay na talento. Plus the fact that they're all good looking. Base sa impormasyong hawak nila, ang unang tatlong kanta na tutugtugin ng mga ito ay hango sa mga bandang iniidolo ng mga ito. Kaya pagtuntong ng alas otso, kasabay ng pagdilim ng buong Aquarius Event Centre ay ang malakas na sigawan at tilian ng mga naroon sa loob nang ipakilala isa-isa ang miyembro ng bandang The Feelers.
Sa loob naman ng kwartong kinaroroonan ko, ramdam ko ang yanig ng buong event centre.

"Kabataan nga naman ngayon," naiiling kong sambit. Noong kapanahunan ko, nagkaroon din naman ko ng mga crush sa mga banda pero hindi naman ako tumili na katulad ng mga kabataan ngayon. Ang iba nga, grabe pa kung makipagbangayan sa social media para sa kanilang idolo.

Hindi magkamayaw ang mga kababaihan sa kasisigaw. Kanya-kanya ring sigaw ang mga ito sa pangalan ng mga lalakeng miyembro ng The Feelers. The lead vocalist was Aries, Ron as the guitarist and Sam on keyboards while Turn was on drums. Kung ang halos lahat ng mga kakaibahan roon ay kadalasang pangalan ni Aries ang isinisigaw, my eyes was focused on Turn.

Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ko ang kakaibang pagtibok noon habang nakatitig dito habang tumutugtog gamit ang drums. Turn was banging his head as his hands moved to rock the drums in front of him. Mukhang wala itong pakialam sa mga babaeng nagtitilian dahil ang buong atensyon nito ay nasa instrumentong nasa harap nito. Sinasabayan nang malakas na palo ng kamay nito ang ritmo at melodiya na nanggagaling sa instrument na pinatutugtog ng bawat miyembro ng banda.

"I love you, Aries!" hiyawan ng mga babae. " Akin ka na lang!"

"Oh my God! Roooon!"

"Baby Saaaam!"

"Aaaahhh!

"Turn, babyyyy!"

Talagang hindi magkamayaw ang mga kababaihan sa kasisigaw. Hindi na ako magtataka kung manakit ang lalamunan ng mga ito pagkatapos ng concert.

Hindi naman sinasadyang napatingin ulit ako sa drummer na 'yon. I mean, Turn, the drummer. Nakita kong nakapikit ito habang nilalaro ang drums at kahit tumutulo na ang pawis nito sa mukha, tila wala itong pakialam. Parang gusto ko itong lapitan at hawiin ang buhok nitong nakadikit na sa noo nito. Kita kong sinasabayan nito ang kanta habang ekspertong pinapaikot-ikot sa mga daliri at kamay ang hawak nitong drumstick.

Hanggang sa matapos ang unang tatlong tugtog ng mga ito, wala itong kapaguran sa ginagawa. Hindi na ako magtataka kung malaman kung may sugat na ang daliri nito dahil sa intense ng performance nito ngayong gabi. Mukhang wala rin naman itong pakialam sa paligid at basta lamang ini-enjoy ang pagtugtog.
And as the song ended, I saw how expertly he twisted the drumstick around his fingers then threw it in the air, caught it, and banged it on the drums once again.

And for the first time, I saw him smile and then he winks as if he knew he was being watched.

Ang hindi ko alam, doon na pala mag-uumpisa ang masaya, magulo, mapusok at mainit na sandali sa pagitan naming dalawa ni Turn Fortalejo.⚠️

Title: UNWANTED SIN
Author: AMETHYSTJOANA
Genre: STEAMY ROMANCE/DRAMA

Dreame Link: [https://m.dreame.com/novel/567681024.html](https://m.dreame.com/novel/567681024.html)

Yugtolink: [https://m.yugtofiction.com/novel/800924672.html](https://m.yugtofiction.com/novel/800924672.html)
_____________________________________________________________________

 /Yugto Stories  /RomanceExcerpt Scene⚠️⚠️⚠️"Hindi ka rin ba makatulog, hmm?" bulong ni Seb. Hindi niya alam kung anong ...
17/10/2022

/Yugto Stories

/Romance
Excerpt Scene⚠️⚠️⚠️

"Hindi ka rin ba makatulog, hmm?" bulong ni Seb. Hindi niya alam kung anong ispirito ang sumapi sa kanya at nagbigay ng lakas ng loob para lapitan ang dalaga. But nonetheless, hindi niya pinagsisisihan ang ginawa dahil nakaramdam siyang kapayapaan habang yakap niya ito.

"Huwag kang malikot," saway ni Seb sa dalaga nang tangkain nitong umalis sa pagkakayakap niya. "Baka may magising diyan sa ibaba na hindi mo magustuhan. Baka bigla ka na lang matutukan."
"Isa, Seb! Let go of me." Panay ang pagpiglas ng dalaga.
Umiling ang binata sabay sambit, "No! Let's stay like this for now."
Hindi na nagawang pang magpumiglas ng dalaga. Hindi dahil natatakot siya kay Seb ngunit dahil ito sa isang bagay na alam niyang unti-unti ng nabubuhay sa kanyang likuran. Nararamdaman niya ang pagtusok nito sa bandang pang-upo niya. And it's kinda scary for her! Parang nahihirapan siyang huminga na hindi niya maintindihan kung paano kikilos habang yakap-yakap siya ng binata mula sa likod. Nararamdaman din niya ang mabining paggalaw ng mga daliri nito sa bandang tiyan niya. Humigpit ang kapit niya sa railing ng lanai ng huminto ang isang daliri nito sa tapat ng kanyang pusod. Tinutudyo-tudyo nito ang parteng iyon ng kanyang tiyan.

Mariin niyang nakagat ang ibabang labi upang pigilin ang pag-alpas ng isang ungol mula sa kanya.

"S-seb," tawag niya sa pangalan nito. Para siyang pinangangapusan ng hininga dahil sa ginagawa nito.

"Hmmm?" he whispered in her ear. "You're saying something, honey bun?"

Title: KUNG MAWAWALA KA
Author: amethystjoana
Dreamelink: https://m.dreame.com/novel/+rSWALNzKgwmbtHzeP4duw==.html
YugtoLink: https://m.yugtofiction.com/.../+rSWALNzKgwmbtHzeP4duw==.html
_______________________________________________________________________
📌Dream Onelink: https://dreame.onelink.me/mOD1/pw9gq9ht
📌 Yugto Onelink: https://yugtomedia.onelink.me/PpOv/9msubyz

Address

San Jose
Batangas City
4227

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Amethystjoana Dreame posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Amethystjoana Dreame:

Share