17/07/2026
“YOUR CONCERN IS HUMAN RIGHTS, MINE IS HUMAN LIVES.” — PRRD QUOTE, MULING NAG-VIRAL MATAPOS ANG PAGPASLANG SA RIDER
Muling naging usap-usapan sa social media ang isang bahagi ng 2018 State of the Nation Address (SONA) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng brutal na pagpatay sa motortaxi rider na si Fabio Norberte Jr. sa Caloocan City.
Sa iba't ibang comment section ng mga balita tungkol sa insidente, muling ibinahagi ng ilang netizens ang naging pahayag ni Duterte:
“Your concern is human rights, mine is human lives. The lives of our youth are being wasted and families are destroyed, all because of the chemical called shabu, co***ne, cannabis and heroin.”
Muling lumutang ang naturang pahayag habang mainit ang diskusyon online tungkol sa kriminalidad at kampanya laban sa ilegal na droga.
Si Fabio Norberte Jr. ay umano'y sinaksak ng kanyang pasahero gamit ang ice pick bago tinangay ang kanyang motorsiklo.
Naaresto na ang suspek na si Jeffrey Catacutan, na nahaharap sa mga kasong robbery with homicide at carnapping, ayon sa police booking information.
Dahil sa insidente, muling nabuhay sa social media ang talakayan tungkol sa kampanya laban sa kriminalidad noong administrasyong Duterte, kung saan ibinahagi ng ilan ang kanyang mga naging pahayag noong 2018 SONA.