angie_love_06

angie_love_06 Amateur Mobile Photographer
connects people by sharing from
(3)

Ang Gasuklay na Buwan🌙 at ang Planetang Venus 🪐Mga kuha kanina bandang 6:35PM hanggang 6:40PM.Muntik ko nang hindi makuh...
14/09/2026

Ang Gasuklay na Buwan🌙 at ang Planetang Venus 🪐

Mga kuha kanina bandang 6:35PM hanggang 6:40PM.

Muntik ko nang hindi makuhanan dahil sa mga ulap. Mabuti at pinahintulutan pa rin ako ng langit.

Nasilayan n'yo rin ba ang buwan at ang makinang na bituwin na ito?

Mapapatulala ka sa sobrang ganda, kamangha- mangha 😍.

Shot on Redmi 13C with external lens



Solar Halo RingKuha ito noong Agosto 15, 2026 10:35AM.Ewan ko ba kung bakit hobby kong tumingala sa langit. Ang ganda ka...
02/09/2026

Solar Halo Ring

Kuha ito noong Agosto 15, 2026 10:35AM.

Ewan ko ba kung bakit hobby kong tumingala sa langit. Ang ganda kasi nitong pagmasdan lalo na kapag maaliwalas ang panahon. Bonus na lang kapag may optical phenomenon na ganito. Mapapa-wow ka nalang sa pagkamangha.

Sa sandaling iyon, napawi ang pagod ng aking kaisipan. Aminado akong puno ako ng pangamba nitong mga nagdaang buwan.

Nawa gumaan din ang iyong loob gaya ng naidulot nito sa akin.

Shot on Redmi 13C.

Portulaca overload 😍Ang ganda ng pa-welcome ng August.Inaabangan ko tuwing umaga ang pamumukadkad ng mga Portulaca. Mapa...
02/08/2026

Portulaca overload 😍

Ang ganda ng pa-welcome ng August.

Inaabangan ko tuwing umaga ang pamumukadkad ng mga Portulaca. Mapapangiti ka na lang sa sobrang ganda.

Nawa magdulot din ng kasiyahan ang mga munting bulaklak na ito sa iyo.

Happy New Month sa inyong lahat 😘

Shot on Redmi 13C


AratilesSa wakas namunga na din!Halos araw-araw kami tumitingala at nangunguha ng hinog na bunga nito.Alam n'yo ba na an...
14/07/2026

Aratiles

Sa wakas namunga na din!

Halos araw-araw kami tumitingala at nangunguha ng hinog na bunga nito.

Alam n'yo ba na ang prutas na ito ay tinatawag ding Kerson fruit, Jamaican Cherry o Panama berry.

Ito ay hindi cherry bagkus ito ay berry.

Masarap at matamis. Ikaw ba? Kilala mo ba ang prutas na ito?

Shot on: Redmi 13C


About Last Night Ang buwan kagabi July 1, 2026 ay nagpakita din. Ilang araw na maulap at panay ulan kaya hindi ko nakuha...
02/07/2026

About Last Night

Ang buwan kagabi July 1, 2026 ay nagpakita din. Ilang araw na maulap at panay ulan kaya hindi ko nakuhanan ang Strawberry Moon sa mismong araw ng kanyang kabilugan. Mapalad pa rin ako.

Pagmasdan mo, ang ganda ng hugis ng ulap sa paligid ng buwan 😍.

May mga pagkakataon na tila wala ng kabuluhan ang paghihintay ngunit huwag tayong mangamba sapagkat mayroon pa ring pag-asa. Magtiwala ka lamang.

Shot on Redmi 13C with external lens


Happy New Month 🏵️Namumukadkad ang mga Portulaca tuwing umaga hanggang bago magtanghali. Depende sa init ng araw. Kapag ...
01/07/2026

Happy New Month 🏵️

Namumukadkad ang mga Portulaca tuwing umaga hanggang bago magtanghali. Depende sa init ng araw. Kapag makulimlim, hanggang hapon mo mapagmamasdan ang kanyang rikit.

Shot on Redmi 13C with external macro lens

Kasabay ng mabagal na pag-usad ay unti- unting paghilom ng kalooban. Magtiwala na makakalagpas din sa mga pagsubok. Nawa magdulot ito ng ngiti sa iyo. Magandang bagong buwan 🥰!

Maligayan Araw ng mga Ama 💐Tamang -tama na namukadkad ang Flaming Torch Bromeliad ngayon upang ialay para sa araw na ito...
21/06/2026

Maligayan Araw ng mga Ama 💐

Tamang -tama na namukadkad ang Flaming Torch Bromeliad ngayon upang ialay para sa araw na ito.

Alam n'yo ba na ito ay sumisimbulo sa proteksyon at kaligtasan. Ito ay dahil sa hugis at anyo ng mga dahon nito. Parang isang protective cup sa paligid ng bulaklak.

Shot on Redmi 13C



Hooded OrchidNamulaklak ang hanging plant ni Nanay. Yung akala namin mawawala na kasi natuyo siya dahil sa init ng panah...
09/06/2026

Hooded Orchid

Namulaklak ang hanging plant ni Nanay. Yung akala namin mawawala na kasi natuyo siya dahil sa init ng panahon.

Ang ganda niya 😍

Salamat po kay Nanay Salet sa bigay ninyong halaman 🥰

Shot on Redmi 13C



Munting Bisita 🦋Ang emerald moth na ito ay nocturial o aktibo tuwing gabi. Napansin ko ito sa loob ng aking kwarto, isan...
02/06/2026

Munting Bisita 🦋

Ang emerald moth na ito ay nocturial o aktibo tuwing gabi. Napansin ko ito sa loob ng aking kwarto, isang gabi ng Mayo. Gaya nito, hindi rin ako natulog ng gabing iyon sapagkat kabi-kabila ang mga deadline ko sa trabaho. Hindi ko namalayang inumaga na ako sa kakatrabaho na halos nakalimutan ko na ito.

Natagpuan ko ito na nakadapo sa aking tuwalya. Sinubukan kong hawakan at ito naman ay nagpaubaya. Inilabas ko ito ng kwarto at inilapag sa isang dahon sa halamanan.

Mabigat ang pakiramdam ko noon dahil sa pagod pero dahil sa moth na iyon, parang gumaan. Nagbigay kasiyahan sa aking puso.

Napaisip ako: "Si Lord talaga, alam Niya ang gusto ko. Nagsugo Siya ng magpapasaya sa akin"

Wala lang, na-share ko lang. Nawa napangiti ka rin nito.

Flower Moon 🌝 May 01- 02, 2026Malapit na sumapit muli ang kabilugan ng buwan sa katapusan ng Mayo, kaya naman i-post ko ...
28/05/2026

Flower Moon 🌝 May 01- 02, 2026

Malapit na sumapit muli ang kabilugan ng buwan sa katapusan ng Mayo, kaya naman i-post ko na ito.

Ang Flower Moon ay tawag sa pagbilog ng buwan tuwing Mayo dahil ito ang panahon ng pamumukadkad ng mga bulaklak.

Na-super busy ako lately kaya pagpasensyahan na ninyo ang aking pagka NR at MIA. Ito ang aking pambawi. Nawa'y magustuhan ninyo.

Shot on: Redmi 13C with external lens.

Address

Quirino
3403

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when angie_love_06 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share