14/12/2022
Mag-wa-ONE MONTH na tayo mga Boss! 🤩🥹😎
Ayun na nga, dahil malapit na mag monthsary ang Boss Jojie, ito na.. ipapakilala na namin sa inyo ang ating malupeching Boss na bumubusog at lumalasing (😄) sa inyo—- Si BOSS JOJIE 😎
Siya si Jojie Esquivel mula sa Olongapo City. Bata pa lang ay hilig na niya ang pagluluto (at pag-inom🤫)
Sa murang edad, siya ang laging katulong ng kanyang ina sa pagluluto. Nagsimula sa pagbalat at paggayat ng mga gulay, hanggang siya na mismo nagtitimpla ng mga lutuin. Ilan sa mga paborito niyang ihanda ay papaitan, sisig, dinakdakan, at marami pang iba! ☺️
Siya ay maasikaso sa kanyang pamilya at kung sino man ang bumibisita sa kanilang tahanan.
Hindi niya hahayaang maubusan ng pagkain o magutuman ka, mapapamilya ka man, kaibigan, kapitbahay o kung sino ka pa man. 😝
Kaya isang gabi, habang nagkkasiyahan at nag-iinuman ang mga tropa, napagusapan na bakit hindi magbukas ng tindahan? Tutal linggo linggo rin naman nagiinuman. Kaya bakit hindi na lamang gawing pagkakakitaan?
Kaya eto na nga ang Boss Jojie Restobar. Dumaan at kumain ka naman? 😎 Hanggang January 15 lang kami dito sa Ulo ng Apo Food Fiesta.
Bukod sa tindahan, si Boss Jojie ay nag-aahente rin ng mga sasakyan at heavy equipment. At siya rin ang pinakamabilis, ngunit maingat, na driver sa Olongapo. (Alam mo na ha? Message lang pag gusto mo pa-drive at kung naghahanap ka ng sasakyan o heavy equipment)
Ikinalulugod ka naming makilala, Boss Jojie! Mabuhay ka! Naway marami ka pang mabusog at malasing! 😄🍻