05/06/2026
𝗔𝗻𝗼, 𝘁𝗮𝗿𝗮? 𝘀𝗮 𝗔𝗖𝗖𝗟𝗔-𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗡𝗔𝗬, 𝗮𝘁 𝗔𝗖𝗖𝗟𝗔-𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝘂𝗹𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻! 🏳️🌈
Ang esensya ng Pride ay nakaugat sa kolektibong pagkilos at malalim na pag-unawa sa ating lipunan. Kaya naman ngayong Pride Month, inaanyayahan namin kayong mag-aral, mag-ingay, at maki-acclas para sa iisang adhikain—ang kalayaan at pagkakapantay-pantay ng bawat isa.
Sa temang “𝐑𝐮𝐦𝐚𝐦𝐩𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧, 𝐌𝐚𝐠-𝐚𝐥𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧!” kasama ang iba't-ibang sektor ng ating lipunan, tara at makisangkot sa ating mga serye ng aktibidad ngayong buwan.
Itaas ang bandila, bitbitin ang paninindigan, at sama-sama tayong mag-acclasan tungo sa lipunang may tunay at makulay na pagkakapantay-pantay! See you there, mga 𝘼𝘾𝘾𝙇𝘼! ✊🏳️🌈